Kape
Halika mag kape tayo
Pagkatapos ng isang araw na trabaho,
pagkatapos ng lahat ng masasakit na sinabi mo;
Halika mag kape tayo para maupos na ang pait na nalalasahan ko
Naamoy mo ba ang kapeng bagong timpla?
Sing lakas ng droga, sing tapang ng tarantula;
Pumapasok sa sistema kahit alam mong ayaw mo na,
Kapeng bagong timpla nakakasulasok, nakakatrauma.
Kulang pa ba ang lahat ng asukal na inilagay
ng pusong puno ng pagibig at pagasa;
May nakalimutan pa ba akong isama?
Meron pa ba? O sadyang wala na.
Alam ko lahat ito ay nararamdaman mo din,
Masakit man tanggapin pero ang nalagay mo yata ay asin;
Imbis na tumamis ang tubig na nasa tasa
Umalat, pumait,di ko na malaman ang naging lasa
Isa pang masakit na malaman,
Iyong ika'y pinaikot ikot lang at nilasahan;
Hindi mo man matanggap ang nangyari sa atin,
Isa lang gusto kong ipaalala, ang nailagay mo sa kape ay asin.
Kaya anu man ang gawin mong halo
Matunaw man ang kutsara sa mainit na tubig
Hindi magbabago ang takbo at guhit
Ng mapait at maalat nating pagibig
Matapos man lahat ng nasabi at nangyari,
Matapos malasahan lahat ng pagkakamali;
Maiiwang nakabakas ang lasa sa aking labi,
ng kapeng pinilit lang timplahin
Iinom ka pa ba? O akin nang uubusin?
-DM Lauresta

Comments
Post a Comment